19/08/2026
May mga sulat na hindi mo naman hinahanap, pero kapag nabasa mo, mapapatigil ka at mapapasabi ng—
“Ganito ako magmahal eh!.”
Nang mabasa ko ito, tila may bahagi sa akin na nagsabing—“Ganito nga ako.”
Kasi kapag minahal ko ang isang tao, gusto kong makilala siya nang buo.
Hindi lang ang mga magagandang bahagi niya, kundi pati yung mga bagay na hindi niya ipinagmamalaki. Yung mga tahimik niyang sandali. Yung paraan ng paghinga niya kapag may iniisip. Yung simpleng pagbabago sa kilos o boses na nagsasabing may hindi okay.
Yung alam mong hindi siya okay kahit sabihin niyang,
“Okay lang ako.”
At minsan, hindi naman kailangan ng maraming salita.
Yakap lang.
Minsan, alam mo na.
Siguro ganoon talaga ako magmahal.
Kapag nakilala kita, talagang makikilala kita.
At kapag minahal kita, hindi lang yung magandang bersyon mo ang pipiliin ko. Kasama pati yung mga araw na mahirap kang intindihin.
Kaya habang binabasa ko ito, napangiti ako at napaisip—
“Sana may taong makakakilala rin sa akin nang ganoon.”
Yung makakapansin kung kailan ako hindi okay kahit tahimik lang ako.
Yung alam kung kailan ako kailangang patahanin, kailan ako kailangang yakapin, at kailan kailangan lang niyang manatili.
Hindi naman ako naghahanap.
Siguro, pangarap lang.
At kung wala man, okay lang din.
Dahil alam ko namang ganito talaga ako.
Ganito ako magmahal.
Pero aminado ako…
Nakaka-miss din palang isipin na baka may isang taong makakakilala rin sa akin nang ganoon.
“Kilala kita.”
Sana balang araw, marinig ko rin iyon.
Some words don't just describe what we hope to find. Sometimes, they remind us of who we already are.
🌿 Until the next page.
Mapunta ka sana sa taong ikaw ay makakabisado.
Kung paano ka patahanin sa tuwing dinadalaw ka ng matinding bagabag. Nauunawaan ang tahimik mong pag-iyak. Kaya kang damayan sa panahong mahirap, at magpupumilit kahit pumipiglas ka sa pagyakap.
Mapunta ka sana sa taong pinapahalagaan ang lahat sa iyo. Mga bagay na hindi pinahahalagahan ng mga tao. Nauunawaan ang mga mata mo, at kahit 'di magsalita, kahit 'di ka lumuha—alam niya ang lahat mong takot , pangamba at haka.
Mapunta ka sana sa taong nakikilala ang puso mo. At kailanman ay hindi mag-iisip na pagtaksilan ito. Pagkat banayad at totoo— ang pag-ibig na hinintay, pinagtiyagaan, pinagpanata't , pinuhunanan.
Doon sana ang maging katapusan ng iyong kwento.
Ang mapunta ka sa tamang tao, tama para sa'yo.
-Mga Akda ko